gabay room
ito ang paksa ngayon sa isang e-group na ako ay kasapi. makita ko yung tanong, biglang bumalik sa akin ang nga alaala
naaalala (tama ba spelling dyep?) ko yung mga pagkakataon sa ilalim ng puno ng talisay sa tabi ng kwarto, tumutugtog ng gitara sabay sa umaalulong na boses ng mga resident crooners ng gabay. nasa labas din ang ibang mas seryoso sa amin , di makapag-aral sa loob sa maraming posibleng dahilan - may meeting sa loob, may choir practice, nasa loob si omar. kaya lang di rin sila libre sa labas - may naglalaro ng sipa at patintero, may nagtatalo tungkol sa sinabi ni padre sa nakaraang klase, lumabas si omar ng kwarto. no choice talaga, makikigulo na rin sila.
nakakalungkot, dahil gigibain na raw ang gusali na pinananahanan ng gabay room. isang bahagi ng buhay ko na itatabi sa baul ng nakaraan.