Monday, January 10, 2005

gabay room

ito ang paksa ngayon sa isang e-group na ako ay kasapi. makita ko yung tanong, biglang bumalik sa akin ang nga alaala

naaalala (tama ba spelling dyep?) ko yung mga pagkakataon sa ilalim ng puno ng talisay sa tabi ng kwarto, tumutugtog ng gitara sabay sa umaalulong na boses ng mga resident crooners ng gabay. nasa labas din ang ibang mas seryoso sa amin , di makapag-aral sa loob sa maraming posibleng dahilan - may meeting sa loob, may choir practice, nasa loob si omar. kaya lang di rin sila libre sa labas - may naglalaro ng sipa at patintero, may nagtatalo tungkol sa sinabi ni padre sa nakaraang klase, lumabas si omar ng kwarto. no choice talaga, makikigulo na rin sila.

nakakalungkot, dahil gigibain na raw ang gusali na pinananahanan ng gabay room. isang bahagi ng buhay ko na itatabi sa baul ng nakaraan.

5 Comments:

At January 18, 2005 at 1:04 AM, Blogger macoy said...

grabe, gabay room. 'our house in the middle of the street' talga yun. :)

oy k.bambie, kasal ni k.winfer next month, punta kayo?

 
At January 19, 2005 at 12:10 PM, Blogger Bibam Dabam said...

next month? sa yo ko pa lang nalalaman ito. di pa siya nagbabanggit eh

 
At January 20, 2005 at 12:56 AM, Blogger macoy said...

sabi na nga ba eh. :) pero nakilala mo na si josie, di a? well, kami din ni cherry di pa iniimbita ng pormal. basta alam ko pebrero yung kasal.

 
At January 20, 2005 at 8:38 AM, Blogger Bibam Dabam said...

si ate karla mo din ata nakasal na rin. nakapunta ba kayo?

 
At January 28, 2005 at 3:59 AM, Blogger macoy said...

nope, sa cabanatuan pa yun at di rin kami inimbita.

feb19 daw ata sina k.winfer, yung invites daw natin inisnailmail na. suhestyon ni cherry toka-toka daw tayo sa washing machine. pero kundi umabot kanya-kanya nalang.

 

Post a Comment

<< Home